5:57 PM
Miss KB
Natutuwa ako sa kasambahay namin. Tuwing nagbabasa ako ng libro, o kaya naman kapag nag-aaral (?) ako. Kapag nags-skim lang ng textbooks, sinisilip niya ako. Parang nakikibasa. Tapos kapag nakakalat mga quiz paper ko, diba syempre liligpitin niya tapos babasahin niya. Sasabihin niya;
“Math to?”
“Siguro English to.”
“Naalala ko pa nun nag-aaral ako.”
“Patingin ha, bibilangin ko. 1, 2, 3…”
“Hindi ako marunong sa spelling.”
Parang gusto niyang mag-aral. Naisip ko ako, nabigyan ako ng pagkakataong mag-aral pero nagpapakatamad ako. Kagaya ngayon, naglabas ako ng mga reference books para sa project namin sa P6. Tapos habang tinatype ko to kinuha niya yung nasa tabi ko, sinusubukang basahin yung makapal na libro na yun. Nakakatuwa na gusto niya paring mag-aral kahit may mga anak na siya. Gusto ko tuloy siyang turuan ng basics.
“Parang hindi ako marunong magsulat na…” -Sabi niya.
“Turuan kita.” -Ako
“Simula nun nag-asawa ako di na ako nagsulat.” -Siya
Binigyan ko ng papel at bolpen. Buhay nga naman. Love ko na siya. Dati kasi pipi siya e, di nagsasalita.
-
curlsandglassesandsexyaccents liked this
-
miss-insecurities liked this
-
sarcasticrenren liked this
-
maby liked this
-
syskweyrd liked this
-
nise posted this