I like to think that I'm different. Second self.
December 12th
7:22 PM

MERON AKONG KWENTO

Kanina tumawag Mama ko sa akin, dumaan daw akong SaveMore dahil nagpapabili siya ng pipino, sabi ko wala na akong pera, sabi niya kahit isa lang daw. Um-oo nalang ako. Pagdating ko sa SaveMore, papasok na sana ako pero may nakita akong lalaki, schoolmate ko yun, 3rd year, tapos nun pagtingin ko sa kanya may naaalala ako, hindi naman yung crush ko yung naalala ko pero konektado siya sa crush ko kaya napatitig ako kay “schoolmate” nag-eye contact pa kami tapos naweirdohan ako kasi medyo kahawig niya talaga yung kaibigan ng crush ko. Edi habang tinitignan ko siya ng mabuti, naglalakad ako, ng biglang may nakabangga akong lalaking matangkad muntik na akong madapa na-disrupt tuloy yung eye contact namin ni schoolmate. Nag-sorry nalang ako kay Mamang matangkad, natawa ako sa sarili ko, nahiya ng sobra dahil ang ingay ng sapatos ko muntik kasi akong matapilok sa paa ni Mamang matangkad. Dagdag pa yung mga taong tumingin kai muntik muntik na talaga kong sumemplang sa floor. Muntik ko ng halikan yung sahig amp.

Pagpasok ko sa SaveMore nakangiti ako na-weirdohan ata yung mga nakakasalubong ko sa akin, tapos mas natawa pa ako nun hawak ko na yung isang pirasong pipino na bibilin ko ng 14 pesos. Tawang tawa lang ako ang babaw okay bye.

  1. nise posted this