Your web-browser is very outdated, and as such, this website may not display properly. Please consider upgrading to a modern, faster and more secure browser. Click here to do so.
Natatawa akong tignan yung mga kaklase ko tsaka batchmates ko while they get all sentimental over our grad. Wala lang. Ang dami pala naming ganun ang pakiramdam, kaba + saya + lungkot all at the same time. Ang lupet ng high school. Ginulo buhok ko, ginulo buhay ko. De joke.
Basta, ang lupet — ng mga taong nakasama ko, ng mga teacher na pinagsabihan ako, mga palpak na plano, bagsak na exam, 0 na quiz, kopyahan, kunwari picnic sa loob ng classroom, gaguhan, kunwari photogenic kaya picture picture lang, last minute na mga plano, walang kanin na outing puro chichirya, barahan sa classroom, kantahanng sintunado, petty fights, chismis dyan chismis dito, tambay dyan tambay dito, pa-photocopy ng handouts walang barya utang sa seatmate pero di babayaran, deadlines, flag ceremony, chsf, cleaners, gaguhan, inside jokes, butas na blackboard, sirang curtain rod, staircase sa S bldg, mabahong tambayan kasi malapit sa cr, malinis na zone kasi yun ang nililinis ng mga suspended, away away kasi wala pang nabubuong steps, gapang ni Feli, pagka-demure ni Glei, pagka-kalog ni Gracielle, kagaguhan ni Garrey, ni Mangu, ng lahat ng lalaki sa classroom. Drama ni Xydii, hampas ni Chi, sungit ni Sheng, pambabara ni Louise…
Being with these crazy people is effortless…
Thanks to Sheng for the pictures!