Your web-browser is very outdated, and as such, this website may not display properly. Please consider upgrading to a modern, faster and more secure browser. Click here to do so.
Nun isang gabi, uminom ako ng tubig, pagkatapos kong uminom idadala ko na sana sa sink yung baso pero nabitawan ko. Careless no? Nabasag.
Kagabi bago ako lumabas ng kwarto nanunuod ako ng Grey’s Anatomy. Bago ako lumabas ng kwarto, nagda-drama na ko kasi potek namatay si George tapos may cancer si Izzie tapos ang saya ng ibang characters. Sabi ko sa sarili ko “Putek!! Bat ang saya niyo namatay si George yung paborito kong character!!!”
Tapos kagabi paglabas ko ng kwarto, nag-online ako sa Facebook. 3 msgs. Chineck ko, isa galing sa Tito ko. Nagsumbong daw Lola ko di daw ako tumutulong dito sa bahay. Eh potek, 2 araw na kong naglilinis dito. General cleaning nga ginawa ko kung tutuusin kasi pati yung kasambahay namin walang initiative na maglinis ng bahay!
Tumahimik ako tapos naghapunan mag-isa kasi potek nauna silang kumain.
Pagkatapos ko kumain nagpakuha ng bowl yung Mama ko sakin, idadala ko na sa kanya kaso nabitawan ko. Nabasag.
“Ano bang nangyayari sayo?” -nanay ko
“Kahapon ka pa.” -Shobe
“…” - pinsan kong bata
Dumiretso ako sa kwarto ko tapos umiyak ako kasi namatay si George tapos nakabasag ako ng baso at bowl tapos di daw ako tumutulong sa bahay. Putek.
Yun lang, oks na ko ngayon.