I like to think that I'm different. Second self.
January 11th
6:19 PM

SINO BA?

Minsan naisip ko, na-meet ko na kaya ang taong pakakasalan ko at makakasama ko sa panghabambuhay? Naisip ko…

Paano kaya kung siya yung lalaking nakasabay kong bumili ng softdrinks sa kantina? O yung batchmate ka na gago, o yung kaklase kong nabubully, o yung kaibigan kong akala mo walang patutunguhan sa buhay, o yung anak ng kumpadre ng Tatay ko na walang tulad ang kayabangan, o yung lalaking maraming beses ko ng nakasalubong pero may kausap ako kaya di ko siya nakita, o yung bunging adik dyan sa kanto, o yung valedictorian ng klase namin, o yung kapatid ng bestfriend ko, o yung lalaking lagi kong inaaway, o yung kakilala kong pakiramdam ko bakla, o yung lalaki na nakatabi ko sa simbahan, yung lalaking nakakita sa akin nun natapilok ako habang naglalakad, yung lalaking kapitbahay namin, o baka naman yung lalaking nasa harap ko na di ko lang pinapansin.

Bale yung last phrase inisip ko lang para kaboom naman yung ending. Mehheheheh. Naisip ko lang sa tricycle kanina. Walang pinaghugutan.